MPD, may bago nang hepe
Mayroon nang bagong mamumuno sa Manila Police District.
Ito ay si katauhan ni Police Brig. Gen. Leo Francisco na papalit kay Police Brig. Gen. Rolly Miranda.
Pinangunahan naman ni National Capital Region Police Office Chief Police Brig. Gen. Vicente Danao ang isinagawang turn over ceremony sa MPD headquarters.
Si Danao ay dati ring nagsilbi bilang hepe ng MPD.
Dumating din si Manila Mayor Isko Moreno para personal na saksihan ang isinagawang turnover.
Sa kanyang pahayag, tiniyak ng bagong MPD Chief na itutuloy nya ang mga programa ni Miranda na itinalaga naman para mamuno sa PNP Region 6.
Ayon kay Francisco, kabilang sa mga tutukan nya ay ang paglaban sa kotong-cops, alinsunod narin sa direktiba ni Mayor Isko.
Tiniyak rin nito na paiigtingin nila ang kampanya laban sa ilegal na droga, peace and order sa Maynila, at patuloy aniyang tutulong ang pulisya sa lokal na pamahalaan sa mga ginagawang efforts laban sa COVID-19.
Kumpiyansa naman si Danao na magagawa ni Francisco ng maayos ang trabaho at magiging responsableng pinuno lalo na at di naman ito bago sa MPD.
Ayon kay Danao, dating nagsilbi si Francisco sa MPD bilang intelligence officer.
Madz Moratillo