MPD naglatag na ng seguridad para sa pagdaraos ng Ramadan sa mga Muslim community sa Maynila
Inilatag na ng Manila Police District ang seguridad sa Muslim community sa Iungsod para sa na nalalapit na panahon ng Ramadan.
Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, dinagdagan nila ang presensya ng mga pulis sa paligid ng Quiapo para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng Ramadan.
Ang paghihigpit sa seguridad ay kasunod na rin ng mga pagsabog sa Quiapo.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang MPD sa mga Muslim community leader para makatuwang sa pagtiyak ng seguridad.
Kaugnay nito, idinaos sa Manila City Hall ang isang dayalogo na dinaluhan ng mga Muslim leader, mga opisyal ng MPD at mga opisyal ng Manila City Hall.
Ulat ni: Moira Encina