MRT 3 Ayala Station nabalot ng makapal na usok dahil sa nasunog na Mang Inasal

Nilagpasan ng tren ng Metro Rail Transit Line 3 ang Ayala Avenue Station sa Makati City dahil sa makapal ng usok sa unpaid area ng istasyon.

Ayon sa website ng MRT-3, sa nasunog na fast food chain na Mang Inasal nanggaling ang makapal na usok.

Nangyari ang insidente ala 1:55 ng hapon sa Northbound lane ng MRT3.

Dahil dito, pansamantalang  pinagbawalan na pumasok ang mga pasahero sa istasyon at pinaalis muna ang mga vendor sa kanilang mga tindahan.

Ayon sa Southern Police District nagsimula ang apoy ng 1:45 ng hapon  at dineklarang fire out ng 1:57ng hapon.

Wala namang  nasaktan sa nasabing insidente.

Ulat ni : Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *