MRT-3 handa na sa pagdagsa ng mga pasahero para sa higit isang buwang “libreng sakay” program
Handa na ang Metro Rail Transit line 3 sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong sasakay sa tren dahil sa programang libreng sakay nito.
Ang MRT free rides ay magsisimula bukas, March 28 at magtatapos sa April 30, 2022.
Ito ay bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng linya na pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-22 ng Marso, 2022.
Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager at Director for Operations Michael J. Capati, magde-deploy sila ng 4-car CKD train sets tuwing peak hours na 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi, upang mas maraming maisakay na mga pasahero.
Kaya itong magsakay ng 1,576 pasahero kada train set.
Ito ang kauna-kaunahang pagkakataon na magpapatakbo ang MRT-3 ng 4-car CKD train sets sa linya nito na maaari nang sakyan ng mga pasahero.
Ito ay matapos ang matagumpay na mga serye ng dynamic testing ng 4-car CKD train sets, na sinakyan din ni Pang. Duterte noong inagurasyon ng pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3.
Ayon pa kay Capati, inaasahang nasa 300,000 hanggang 400,000 kada araw ang mga pasaherong makikinabang sa LIBRENG SAKAY ng MRT-3, na layon ding makatulong sa mga komyuter sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ng mga bilihin.
Narito naman ang guidelines para sa free ride ng MRT-3: