MRT-3 magpapatupad ng shutdown sa mga train operation simula Oct. 31 hanggang Nov 2
Magpapatupad ang pamunuan ng MRT-3 ng pansamantalang shutdown sa operasyon ng mga tren nito sa Oktubre 31 hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020.
Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa Depot at Turn-out activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Bahagu ng gagawing Bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ay ang pagsasaayos ng Bus tie na nagbibigay ng suplay ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.
Maliban dito, ipagpapatuloy rin ang isinasagawang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa Taft Avenue station.
Bahagi ng turnout activity na ito ay ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue.
Nauna nang isinaayos ng MRT noong Oktubre 10 hanggang 11 ang 1A at 1B turnout sections at patuloy ang isinasagawang welding ng mga ito.
Ang mga turnout ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.
Noong ika-1 ng Oktubre ay iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 40 kilometer per hour mula sa dating 30 kph.
Target na maiakyat pa ito sa 50 kph sa Nobyembre at 60 kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos ng turnouts.