MRT-3 may libreng random antigen testing
Nagsagawa ng libreng random antigen testing para sa mga boluntaryong pasahero ang MRT-3 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro manila.
Alas siete hanggang alas nueve ng umaga at alas singko hanggang alas siete ng gabi isinagawa ang antigen testing sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue o tuwing peak hours.
Kailangang punan ng volunteer passenger ang consent form at contact tracing form bago ang random antigen testing.
Libreng nakakasakay ng MRT-3 ang mga pasaherong pumayag sa random antigen testing at negatibo ang resulta sa test.
Sa apatnaput walong isinailalim sa antigen testing kaninang umaga anim sa mga ito ang nagpositive.
Dahil dito, hindi na sila pinasakay ng tren inabisuhan rin sila na agad magself-isolate at makipag-ugnayan sa local government unit para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.
Ang libreng random antigen testing ay isasagawa hanggang a trentay uno ng Enero maliban sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Meanne Corvera