MRT-3 rehabilitation at Metro Manila subway project, maaantala dahil sa patuloy na pagkakabinbin ng 2019 proposed national budget – Malakanyang

Apektado na ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit o MRT- 3 dahil sa pagkaantala sa pag apruba sa 3.8 trilyong pisong 2019 National Budget.

Sa ecomomic briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan, nakapaloob sa 2019 budget ang tatlong bilyong pisong pambayad sa mga piyesang kakailanganin sa rehabilitasyon sa mga bagon ng MRT-3 pati na ang pag aayos sa mga riles.

Ayon kay Batab dahil sa reenacted ang budget apektado na rin ang konstruksyon ng Metro Manila subway na nangangailangan ng 500 milyong piso bilang initial payment para sa pambayad sa road right of way.

Inihayag ni Batan, apektado na rin ang proyektong Tutuban-Malolos railway dahil sa walang perang pang advance payment sa nanalong kontraktor.

Niliwanag naman ni Batan bagamat walang pondo, on track pa naman umano  mga goberyno  o para makamit ang mga itinakdang petsa para matapos ang mga nabanggit na proyekto na nasa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration.

Naniniwala ang Malalanyang na dahil sa awayan ng mga mambabatas sa mga pondo na nakapaloob sa 2019 National Budget hindi pa ito malagdaan ng pangulo dahil hindi pa nakakarating sa Office of the President ang enrolled bill ng General Appropriation Act.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *