Muling pagharap ni Lascañas sa DDS Senate hearing kinatigan ng mga Senador
Nagdesisyon na ang Senado na paharapin sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang dating pulis na si SPO3 Arthur Lascanas.
Sampung Senador ang bumoto —pabor na mapaharap si Lascañas at idetalye ang nalalaman sa mga kaso ng pagpatay na ginawa ng Davao Death Squad na umanoy binuo ni noo’y Mayor Rodrigo Duterte.
Naganap ang botohan sa ipinatawag na caucus ng mga senador.
Nagpatawag ng caucus dahil sa pagtutol ng ilang mambabatas na mapaharap pa si Lascanas dahil sa ginawa nitong pagbaligtad sa naunang testimonya.
Kasama sa mga bomoto ng pabor sa paharap ng sina Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, Senators Leila de Lima, Antonio Trillanes, Risa Hontiveros, Sonny Angara, Joel Villanueva, Bam Aquino, Francis Escudero, Grace Poe at Minority Leader Ralph Recto.
Tutol naman sina Senate President Koko Pimentel, Senators Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquaio, Sherwin Gatchalian, Cynthia Villar at Gringo Honasan.
Nag-abstain naman sina Senators Panfilo Lacson, Vicente Sotto, Nancy Binay at JV Ejercito.
Ulat ni: Mean Corvera