Muling pagho-host ng Pilipinas sa Miss Universe pageant ngayong taon, hindi muna matutuloy
Nakatakdang magpatawag ng pulong si bagong Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat upang mapag-aralan kung paano pa maitataas ang pagdagsa ng mga turista sa bansa.
Ayon kay Puyat, kulang pa ang 6.6 million tourist aririvals sa bansa noong nakalipas na taon.
Itinuturing aniya na ang nasabing bilang ay mababa kung ikukumpara sa ibang mga Asian countries.
Target ng bagong kalihim na madagdagan pa ng hanggang 10 percent kada taon ang tourist arrivals sa bansa.
Samantala, kinumpirma ni Puyat na hindi muna matutuloy sa Pilipinas ngayong taon ang pagdaraos ng Miss Universe pageant.
Ayon sa kalihim, hindi kaya ng pondo ng gobyerno ang muling pagho-host sa sikat na beauty pageant.
Matatandaang Enero 2017 tumayong host ang Pilipinas sa Miss Universe, kung saan nanalo ang french beauty queen na si Iris Mittenaere bilang successor ng third pinay titleholder na si Pia Wurtzbach.
============