Muling paglaganap ng illegal drugs sa NBP, isinisi ni Aguirre sa “cellphone”

Isinisi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa ‘cellphone’ ang muling paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons kahit pa binabantayan ito ng mga elite na miyembro ng Special Action Force.

May ilang mobile phones na aniya ang nakumpiska at isinurender ng mga inmates sa mga awtoridad noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Aguirre na makikipagpulong siya sa isang Israeli Firm para pag-usapan ang instilasyon ng karagdagang signal jammers sa NBP.

Nabatid na ang signal jammers na kasalukuyang nakakabit ay sumasakop lamang sa Building 14, kung saan nakakulong ang 50 convicted crime lords.

Kinumpirma rin ni Aguirre na balik-droga na naman ang maliliit na drug operator sa NBP matapos umanong maging pamilyar na ang mga inmate sa nagbabantay na mga SAF commando.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *