Muling pagpapatupad ng total lockdown huling opsyon ng Pamahalaan kung magpapatuloy ang paglala ng kaso ng COVID-19-Malakanyang
Huling hakbang ng pamahalaan ang pagpapatupad muli ng total lockdown kapag patuloy na lumalala ang kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil hindi na talaga kakayanin pa ng ekonomiya ng bansa kung muling magpapatupad ng total lockdown.
Ayon kay Roque nagpag-usapan sa pulong ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagpapatupad ng circuit breaker system para makontrol ang paglaganap pa ng kaso ng COVID 19.
Inihayag ni Roque ang circuit breaker system ay pinaigting na localized lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 sa isang partikular na lugar.
Kung pagbabatayan ang mathematical computation ng OCTA research team sa attack rate ng COVID 19 ngayon ay posibleng umabot sa 11,000 kada araw ang magiging kaso ng corona virus sa bansa.
Vic Somintac