Muling pagtatayo ng pangunahing paaralan sa Marawi City , ipinamamadali na ng isang Kongesista

Isinusulong ni Aangat Tayo Partylist Rep. Neil Abayon na agad masimulan ng pamahalaan ang muling pagtatayo ng pangunahing paaralan sa Marawi City bilang simbolo ng pagbangon ng lungsod.

Sa inihaing panukala ni Abayon, pinalalaanan nito ng dalawang daang milyong piso ang rebuilding ng Marawi City National High School at ang proyektong ito ay pangangasiwaan ng itatatag na special task force.

Ayon sa kongresista, mapapabilis ang pagbabalik sa normal ng buhay ng mga taga Marawi kung maibabalik na ang klase ng mga estudyante doon lalo na sa MCNHS na pinakamalaking paaralan sa lungsod.

Sa pamamagitan ng dalawang daang milyong pisong ilalaan sa proyekto ay kasama na ang pagbili ng lupa na tatayuan ng bagong Marawi City National High School, modernisasyon nito at seguridad hanggang sa pagtiyak na matatag ang gusali sa lindol at bagyo.

Kasama rin sa panukala ang pagtayo muna ng pansamantalang learning facilities para maituloy na ang pag-aaral ng mga estudyante habang itinatayo ang Marawi City National High School.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *