Municipal Govt. ng General Emilio Aguinaldo-Bailen sa Cavite, namahagi ng printer machines para sa mga paaralan sa kanilang bayan
Nasa Labing isang (11) mga printer machines ang ipinagkaloob ng Lokal na pamahalaan ng General Emilio Aguinaldo-Bailen sa mga paaralan sa kanilang bayan sa Cavite.
Ang mga naturang printer ay makakatulong para mapabilis pa ang pagrereproduce ng mga modules at iba pang school materials na magagamit ng mga mag aaral at ng mga guro sa kanilang bayan.
Isa rin ito sa mga inisiyatibo ng kanilang lokal na pamahalaan makatutulong para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga paaralan, mga estudyante at mga guro ngayong may pandemya sa bansa dahil sa Covid 19.
Pinasalamatan din ni General Emilio Aguinaldo-Bailen Mayor Nelia Bencito Angeles ang mga guro at school principal sa kanilanf bayan dahil sa dedikasyon at pagsisikap ng mga ito para mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan sa kanilang bayan.
Nangako naman ang alakalde na patuloy nitong susuportahan ang mga proyekto at programa ng DepEd sa kanilang lugar alang-alang sa mga kabataang nagsisipag-aral sa kanilang lugar.
Ulat ni Jet Hilario