Municipal Gov’t of General Emilio Aguinaldo Cavite, tumanggap ng pagkilala mula sa DILG.

Ginawaran ng pagkilala ng DILG Cavite ang munisipalidad ng General Emilio Aguinaldo-Bailen para sa mga naiambag nitong proyekto sa kanilang bayan lalo na ang BARANGAY INITIATED WEEKLY CLEAN-UP na bahagi naman ng MANILA BAY REHABILITATION AND PRESERVATION PROGRAM ng Dept. of Interior and local government.


Personal na iniabot ni DILG Cavite Prov. Director na si Lionel Dalope ang plaque of Recognition  kay General Emilio Aguinaldo Mayor Nelia Bencito Angeles. 


Nagpasalamat naman ang alkalde sa pagkilalang ibinigay ng DILG sa kanilang bayan. 


Ayon sa alkalde, patuloy silang magiging kabahagi ng DILG sa pagtulong at pakikiisa para sa pangangalaga sa kapaligiran na isa rin sa mga adbokasiya na itinataguyod ng kanilang LGU 
Matapos namang ibigay ang Certificate of Recognition ay ipinakita rin ni Mayor Angeles kay DILG Cavite director Dalope ang mga tanim na gulay sa likod ng gusali ng kanilang munisipyo na malapit nang anihin ng kanilang bayan. 

Ulat ni Jet Hilario

Personal na iniabot ni DILG Cavite Provincial
Director Lionel Dalope ang Pagkilala kay Gen. Emilio Aguinaldo Mayor Nelia Angeles
Please follow and like us: