Municipal police station ng PNP Tigbao, nagsagawa ng tree planting activity sa Zamboanga del Sur
Pinatunayan ng mga pulis mula sa Tigbao Municipal police station (MPS), na kaagapay din sila sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa pangunguna ni Pol. Major Mario Regidor, OIC ng MPS ay nagsagawa ang mga pulis ng tree planting activity sa Tigbao mini forest, sa Tigbao, Zamboanga del Sur na may temang “Mga puno ay mga tula na sinusulat ng mundo sa kalangitan.”
Kasamang ring nakilahok sa nasabing aktibidad ang Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga opisyalng barangay mula sa Brangay Upper Nilo na pinamumunuan ni Barangay Captain Titu Carreon.
Umabot sa 25 mahogany seedlings ang naitanim sa naturang aktibidad, na ang layunin ay protektahan at panatilihin ang ganda ng kalikasan na bahagi ng PNP Core Values.
Ulat ni Kimberly Yuson