Muntinlupa City, nahalal na Auditor sa ginanap na 9th CityNet Congress sa Kuala Lumpur, Malaysia
Muling nahalal bilang auditor at kinatawan ng bansa ang lungsod ng Muntinlupa, sa ginaganap na 9th CityNet Congress sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kasama ng Muntinlupa sa na-nominate para sa parehong posisyon ang lungsod ng Makati at Iloilo.
Ang pagiging auditor sa nasabing organisasyon ng mga lungsod sa iba’t ibang mga bansa, ay noong 2017 pa ginagampanan ng Muntinlupa at hanggang sa kasalukuyan dahil na rin sa economic, social at environmental programs ng lungsod.
Sa pagdalo ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa nasabing pagpupulong, ay buong pagmamalaki niyang iniulat ang ginawang auditing ng lungsod sa pangunguna ng Internal Audit Office.
Gagamitin din ng alkalde ang pulong upang makipag-ugnayan sa mga lungsod ng iba’t ibang bansa at matutunan ang kanilang best practices.
Ang 9th CityNet Congress ay nagsimula ngayong araw, Setyembre 20 at matatapos sa Setyembre 23.
Ang CityNet ay isang worldwide organization na nagtataguyod at humihikayat sa local government units na makalikha ng innovative at sustainable development para sa urban planning ng mga lungsod.
Betheliza Paguntalan