Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, nilinaw ang kaniyang panukalang pag-verify sa mga tenants sa Ayala Alabang village
Hindi house to house search sa Ayala-Alabang kundi tingnan at i-verify ng Homeowners Association ang mga tenant o nangungupahan sa kanilang mga bahay upang matiyak na hindi ito nagsasagawa ng mga iligal na operasyon.
Ginawa ni Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon ang pahayag matapos lumabas sa banner page ng isang pahayagan na ipinapanukala niya ang house to house search sa nasabing eksklusibong subdivision.
Paliwanag ng mambabatas, nauuso kasi sa mga subdivision ang nagpapa-upa ng bahay at karaniwang nagagamit ang mga bahay sa kanilang mga iligal na gawain partikular ang droga.
Kasunod din ito ng pagkakadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 3 chinese nationals sa isang buy-bust operation sa shopping mall sa Barangay Alabang at Ayala Alabang village kung saan mahigpit ang seguridad at kilalang tahanan ng mga prominenteng mambabatas, pulitiko at business executives.
“Well, baka yung usmulat ay hindi naunawaan ang nais kong iparating. Ang sinasabi natin dito yung Homeowners Association ay i-validate nilang mabuti yung mga tenants ng mga naninirahan doon. Malimit ganito ang practice ng mga kriminal, mangungupahan sa isang lugar upang magsagawa ng illegal operations. Dapat ding tiyakin na ang mga nangungupahan ay lehitimo at mga renters lang hindi yung may mga ground operations”.