Murang Kuryente Act, aprubado na sa Bicameral conference committee
Aprubado na sa Bicameral conference committee ang Murang Kuryente Act na inaasahang magpapababa sa ipinapataw na singil sa kuryente ng mga consumers.
Sa panukalang batas, piso kada kilowatt hour ang matitipid ng mga consumers sa pagbabayad ng kuryente.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Panel committee, tinatayang aabot sa 200 piso ang matitipid ng mga consumers partikular sa mga gumagamit ng hanggang 200 kilowatt hour.
Sa panukala, hindi na ipapataw sa mga consumers ang stranded debts at costs o utang ng Napocor na umaabot sa 466 billion na lumalaki pa kada taon dahil sa interes.
Sa halip na ipataw sa mga consumers, gagamitin ang malampaya funds para bayaran ang natutang mga pagkakautang.
Inaasahan ng bicam panel na mararatipikahan ang panukala sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo para maipadala na sa Malacañang.
Ulat ni Meanne Corvera