Murang NFA rice, mabibili na bukas sa Metro Manila at Cavite
Simula bukas mabibili na sa pamilihan sa Metro Manila at Cavite ang murang NFA rice.
Kinumpirma ni National Food Authority o NFA spokesperson Rex Estoperez na dumating na kanina ang mga inangkat na suplay ng bigas ng NFA para sa Metro Manila mula sa Thailand na umaabot sa 1.5 million metric tons.
Sa warehouse ng NFA sa Visayas avenue sa Quezon City, dumating na kaninang alas- siyete ng unaga ang unang batch o 600 sako ng bigas.
Inaasahang darating ang karagdagang 24,400 pa na sako ng bigas hanggang ngayong araw na nagkakahalaga ing 27 pesos kada kilo.
Sabi ng NFA, hinihintay lang nila ang mga inaprubahang permit mula sa mga rice retailers bago dalhin ang mga bigas sa mga pamilihan.
Pagtiyak ng NFA masusi nilang babantayan ang ilalabas na suplay ng nfa para matiyak na hindi magsasamantala ang mga retailers at ibenta ang mga ito bilang commercial rice.