Museum of Philippine Biodiversity, pinasinayaan

Upang mas lalu pang maintindihan ang kahalagahan ng  mayamang biological diversity ng Pilipinas, binuksan na sa publiko ang Museum of Philippine Biodiversity sa loob ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife center sa Quezon City.

Ang unveiling ng museyo ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pamamagitan ng kaniyang Biodiversity Management Bureau o BMB.

Ayon kay BMB Director Theresa Mundita Lim, ang museyo ay malaki ang maitutulong upang gisingin ang kamalayan ng publiko kaugnay sa mayamang biodiversity na mayroon ang Pilipinas at ang malaking naitutulong nito sa pag-unlad ng turismo at ekonomiya ng bansa.

Tampok sa museyo ang anim na protected areas na kumakatawan sa iba’t-iba at kakaibang terrestrial marine ecosystem ng bansa. Nakadisplay rin sa museyo ang mga artworks na pawang mga interactive at experimental at nagpapakita ng epekto ng current environmental issues.

Sa pamamagitan din ng museyo, sinabi ni Lim na matutulungan ang mga kabataang Pilipino na makipagkaisa sa pag-iingat at pagpreserba ng biodiversity ng bansa na itinuturing na sublime beauty of nature.

Kasabay ng unveiling of museum ay, ipinakita rin sa publiko ang permanent installation art na tinawag na “Ugnayan”. Ito ay isang artwork na likha ni Luis Junyee Lee Jr., at kumakatawan sa 21 bansang kabilang sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *