Museums, café terraces at mga eskuwelahan muli nang binuksan sa Portugal
LISBON, Portugal (AFP) – Muli nang binuksan ng Portugal ang kanilang mga museo, secondary schools at café terraces, makalipas ang halos dalawang buwang paghihigpt kasunod ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 noong Disyembre ng nakalipas na taon, at pagpasok ng Eneo ng taong kasalukuyan.
Nagpatupad ang gobyerno ng isang general lockdown sa kalagitnaan ng Enero, at isinara ang mga eskuwelahan isang linggo pagkatapos nito, subalit muling binuksan sang primary schools sa kalagitnaan nitong nakalipas na buwan ng Marso.
Sinabi ni President Marcelo Rebelo de Sousa . . . “We are turning the page and we hope there will be no turning back.”
Ayon sa isang official tally nitong Linggo, halos 16,900 ang nasawi dahil sa coronavirus, habang 823,335 naman ang kaso.
Ang reopening na ipinatupad nitong Lunes ay may kaakibat na mga panuntunan. Apat katao lamang ang papayagan sa isang lamesa sa cafe terraces, habang ang group training sessions sa gyms at sports venues ay namamalaging naka-ban.
Sinimulan na ng Portugal ang paglulunsad ng mass COVID-19 tests, at inumpisahan na ang pagbabakuna sa mga guro.
Plano rin nito na muli nang buksan ang high schools, universities, auditoriums at concert halls sa huling bahagi ng Abril, at sa Mayo naman ang mga restaurant.
Ang sitwasyon ay nirerepaso kada dalawang linggo, at ang gobyerno ay maaaring maghigpit ng restriksyon sa mga munisipalidad na may mataas na bilang ng mga kaso.
Sinuspinde rin ng Portugal ang flights sa Brazil at Britain, para mapigilan ang pagpasok ng mga bagong variant na lumitaw sa mga nabanggit na bansa at naghigpit ng konrol sa kanilang land border sa Spain.
© Agence France-Presse