Musk pinatalsik ni Bezos sa talaan ng pinakamayamang tao
Muling nabawi ng Amazon founder na si Jeff Bezos ang kaniyang titulo bilang pinakamayamang tao sa mundo, matapos patalsikin si Elon Musk sa Bloomberg Billionaires Index.
Ayon sa tracker, ang net worth ni Bezo ay $200 billion, lampas sa network ng Tesla chief na $198 billion.
Ang yaman ni Musk, na siya ring pinuno ng X (na dating Twitter) at SpaceX, ay bumagsak ng mahigit sa $30 billion makaraang bumagsak ng 25 percent ang share price ng Tesla nitong nakalipas na mga buwan.
Dagdag pa rito, noong Enero ay inaprubahan ng isang korte ang pagpapawalang bisa sa napakalaking Tesla compensation agreement, na nagkakahalaga ng $55.8 billion at orihinal na ginawa noong 2018.
Chart showing the world’s richest people as of March 5, according to the Bloomberg Billionaires Index / AFP
Samantala, si Bezos, na hindi na nagpapatakbo ng Amazon, ay nakinabang sa tumataas na presyo ng stock ng higanteng ecommerce.
Bagama’t kamakailan ay nagbenta ng $8.5 bilyon sa mga stock, nananatili pa rin siyang pinakamalaking shareholder ng kompanya.
Ang French CEO naman ng luxury group na LVMH, na si Bernard Arnault, ay namalagi sa ikatlong puwesto sa rankings ng world’s richest people, na may net worth na $197 billion.