Mutual Defense Treaty gustong gamitin na ni Pangulong Duterte kontra China
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iinvoke o gagamitin na niya ang Mutual Sefense Treaty ng Pilipinas at Amerika kontra China.
Ito ang tratado sa pagitan ng dalawang bansa na nagsasabing maaaring magtulungan ito sa oras ng pagaatake ng isang external party.
Sinabi ng Pangulo na tinatawagan na m niya ang Amerika at hinihiling na ipadala na ang 7th fleet sa South China sea.
Ayon sa Pangulo sasama at sasakay siya sa barkong pandigma ng US kung nasaan man ang admiral ng Amerika. Inihayag ng Pangulo isasama rin daw niya si Associate Justice Antonio Carpio at iba pa na nagnanais na digmain ang China.
Matatandaang ilang beses na nababanggit ng Pangulo sa kanyang mga nakaraang talumpati na inuudyokan niya ang Amerika na mauna nang umatake at China at susunod at tutulong ang Pilipinas.
Paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sarcastic o hindi naman literal ang ibig sabihin ng Pangulo at nais lang niya ipakita na ang mga ideya ng kritiko kontra China ay kalokohan lang at maganda lang sa kanilang imahinasyon.
Ulat ni Vic Somintac