Mutual Defense Treaty, pinag-usapan ni Pangulong Marcos, Jr. at US Secretary of State Blinken sa Malacañang
Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at United States Secretary of State Anthony Blinken, ang Mutual Defense Treaty (MDT) nang mag-courtesy call si Blinken sa Palasyo ngayong Sabado, Agosto 6.
Si Blinken ay dumating sa bansa kahapon, Biyernes, Agosto 5.
Sa pulong ay sinabi ni Marcos . . . “MDT is in constant evolution, I’d like to think of it.”
Ang MDT ay isang kasunduan sa pagtatanggol na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng US kung saan ang bawat partido ay “kinikilala na ang isang armadong pag-atake sa lugar ng Pasipiko sa alinman sa mga Partido ay magiging mapanganib sa sarili nitong kapayapaan at kaligtasan at ipinapahayag na ito ay kikilos upang matugunan ang karaniwang mga panganib alinsunod sa mga proseso ng konstitusyon nito.”
Sinabi pa ng pangulo kay Blinken . . . “As I spoke with your Ambassador some time when she came, is that we cannot, we can no longer isolate one part of our relationship from the other,” at binanggit na ang dalawang bansa ay “may lubhang malapit na ugnayan” dahil sa “espesyal na relasyon,” at sa kanilang “shared history.”
Dagdag pa ng pangulo . . . “And of course, all the assistance and help and support that we have received from the United States over the years.”
Sinabi naman ni Blinken kay PBBM . . . “We’re committed to the Mutual Defense Treaty. We’re committed to working with you on shared challenges. What’s so striking to me, Mr. President, is that [we’re] working together on bilateral relations between us, we’re working together in the region, and increasingly, we’re working globally.”
Samantala, nakipagkita rin si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.