MV Mirola 1, isinailalim na sa custody ng PCG
Isinailalim na sa kustodiya ng Philippine Coast Guard ang MV Mirola 1 na sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ng Mariveles, Bataan.
Ayon kay LT Commander Michael John Encina, commander ng Bataan Coast Guard stattion, ito ay para makapagsagawa ng mas mas karagdagan pang inspeksyon sa barko at matukoy ang iba pang paglabag nito.
Dahil hindi nakikipag-ugnayan sa kanila, ipinatawag na rin ng coast guard ang may-ari ng MV Mirola 1.
Ayon kay Encina, ang salvor company lang na kinuha ng may-ari ang kanilang nakakausap.
Una rito, maging mga crew ng barko ay pinaghahanap narin ng coast guard at National Bureau of Investigation para magkaroon ng linaw kung paano ito napadpad sa Bataan.
Sa unang impormasyon na nakalap kasi ng coast guard,tumakas ang Mirola 1 mula sa Navotas.
Samantala, hanggang ngayon, hindi parin nasisimulan ang siphoning o pagsipsip sa mga langis ng dalawang lumubog na tanker sa Bataan ito ay ang MT Terranova at MT Jason Bradley.
Sa Terranova, sabi ni Encina, kung magpapatuloy ang magandang panahon, posibleng masimulan na ito sa susunod na linggo.
Pero may higit 2 libong litro na aniya ng industrial fuel oil mula rito ang kanilang nakuha mula sa ginagawang siphoning test.
Sa MT Jason Bradley naman, patuloy pa aniya ang papapalutang rito ,kapag tuluyan ng lumutang ay saka ito dadalhin sa baybayin at saka hihigupin lahat ng higit 5 libong diesel nito.
Madelyn Villar – Moratillo