MWSS inatasan ang Maynilad na bayaran ang kanilang mga customers dahil sa maruming tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo
Inatasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang Maynilad na bayaran ang mga customers nito.
Kasunod ito ng mga reklamo ng mga customers ng Maynilad na mas madalas na kulay milk tea ang lumalabas na tubig sa kanilang mga gripo tuwing may water interruptions.
Sinabi ni MWSS Chief regulator Patrick Ty na binigyan nila ng 15 days ang Maynilad para magsumite ng kanilang gagawing hakbang paano makakabayad sa mga consumers.
Iginiit ni Ty na nakasaad sa kontrata ng Maynilad na ang babayarang tubig ng mga consumers ay potable water at hindi tama na pagbayarin sila kung marumi ang tubig na lumalabas sa mga gripo.
Nauna nang inamin ng Maynilad na hindi advisable na inumin ang kanilang mga isinusuplay na tubig.
Ulat ni Meanne Corvera