MWSS, pinagpapaliwanag sa contingency plan sakaling maubos ang suplay sa Angat Dam ngayong Abril
Hinihingan na ng paliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage system (MWSS) sa kanilang magiging contigency plan sakaling tumindi pa ang tagtuyot at umabot sa critical level ang Angat dam ngayong Abril.
Sinabi ni Gatchalian na hindi sapat ang pagsasagawa ng cloud seeding.
Kuwestyon ng Senador, kaya bang punan ng makokolektang tubig ulan ang kakulangan sa suplay.
Nauna nang sinabi ng Pag-Asa na maaaring umabot sa critical level ang Angat dam ngayong Abril kung saan umabot na ito sa 195 meters, mas mababa ng 16.09 meters sa normal level na 212 meters.
Hinihingan na rin ng report ni Gatchalian si MWSS Administrator Reynaldo Velasco o listahan ng mga waterworks projects mula ngayon hanggang 2023 kasama na ang Kaliwa dam.
Senador Gatchalian:
“As early as now we should assure the public that should the water level in Angat dam reach the critical level because of the el niño, the government is prepared for that eventuality and we already have contingencies in place to ensure there will be adequate supply of water”.
Ulat ni Meanne Corvera