MYOMA
Narinig n’yo naman na marahil ang terminong ”myoma”? Ano nga ba ito, sakit ba ito? Inalam po natin sa isang Obstetrician-Gynecologist ( OB-Gyne) na si Dr. Hermie Maglaya ang ukol sa myoma at narito ang napag-alaman natin mula sa kanya ….
Ang myoma ang pinaka karaniwan na tumor na pwedeng tumubo sa reproductive organ ng babae and usually sa matris.
Ang totoo, sabi ni Doc, marami ang kinakabahan pag narinig nila ang salitang tumor o bukol. Alam ba ninyo na 75 percent ng mga kababaihan, one time in their life ay magkakaron ng myoma? At sa 75% ay 25% lang naman ang symptomatic. Hindi lahat ng myoma ay dapat na tanggalin, depende sa factors na ikinukunsidera ng isang duktor, before advising the patient kung ano ang nararapat na treatment.
Ano ba ang signs and symptoms ng myoma? Actually, walang masyadong symptoms ang myoma sabi ni Doc Hermie, mostly incidental lang. May mga pasyente anya sya na nagsasabing, Doc, may myoma ako, only to find out na wala naman.
More often they go for the symptoms like bleeding, dati rati 3- 4 days na bleeding tapos 3 pads per day fully soaked pero ngayon, one week na. Maliban pa sa one week na may bleeding ay very painful pa ang menses.
Dagdag pa ni Doc Hermie, ang sintomas ay nakadepende sa lokasyon ng myoma.
May iba-ibang uri ang myoma, ang pinaka common ay ang tinatawag na nagiging dahilan ng bleeding, ang submucous type. Karaniwan nagsisimula sa loob ng matris o bahay bata at nag-extend sa cavity ng lining ng matris. Basically, maliliit lang o sinlaki ng pingpong ball, wala gaanong symptoms. Pero, kapag lumaki ang size na parang 6 months na buntis, either ang symptom ay bleeding, painful menses, profuse bleeding or irregular bleeding, o ang biglang paglaki ng tiyan na tila buntis.
Kapag walang ibang sintomas, kailangan ang regular na pagpapa check-up lalo na ang mga nasa reproductive age group. Ang kagandahan lang anya, hindi naman lahat tinutubuan nito. ‘Yung mga nasa reproductive age group kung nasaan ang estrogen ng babae ay mataas. Kaya, ‘wag matakot ‘yung nasa menopausal stage, maliban kung cancerous.
Samantala, ang treatment ay nakadepende sa edad, general status of the patient, severity of the symptoms, location of the myoma at iba pang sintomas na nararamdaman ng pasyente, at depende rin sa fertility.
Maraming mode of treatment at hindi operasyon agad. Kaya di dapat na matakot, kasi pwedeng sa pamamagitan ng hormone treatment o medical treatment o pwede ding watchful waiting o monitoring every 6 months for ultrasound or examination ng inyong gynecologist.
Ayon pa kay Doc Hermie, you can ask advise sa inyong obstetrician kung ano ang nararapat at mabuting treatment sa inyo.
Sa technology natin ngayon, hindi lahat ay nangangailangan ng operasyon at kapag inopera naman hindi nangangahulugan na tanggal na ang matris. Kapag tinanggal ang myoma,, hindi kinakailangang tanggalin ang matris.
Sana ay makatulong ang mga impormasyong ito, maraming salamat!