Myopia, hindi dapat ipagwalang-bahala
Isang uri ng vision defect ang Myopia.
Ang taong may Myopia ay nakararanas ng malabong paningin lalo na kapag ang tinitingnang bagay ay malayo.
Ayon sa mga Opthalmologist o mga espesyalista sa sakit sa mata, isa sa bawat mag-aaral na may Myopia ay malabo ang tingin sa blackboard at maging sa signboard ng mga sasakyan.
Malulunasan ang Myopia sa pamamagitan ng eyeglasses at contact lense na kung tawagin ay concave lenses.
Kung hindi maagapan, ang Myopia ay maaaring maging sanhi ng malalang eye condition tulad ng glaucoma, cataract, retinal detachment at myopic macular degeneration na sa kalaunan ay maaaring maging dahilan ng pagkabulag.
Ulat ni Belle Surara