N. Korea animators maaaring nagtrabaho sa Amazon at Max cartoons
Natuklasan sa isang bagong ulat, na lumilitaw na ang mga animator ng North Korea ay nagtrabaho sa ipalalabas pa lamang na Amazon at Max cartoons nang hindi alam ng US-based Hollywood studio at labag sa sanctions laban sa Pyongyang.
Ang respetadong North Korea tracking website na 38 North, ay nakakita ng mga ebidensiya na ang mga animator mula sa Nokor ay maaaring kinuha ng third parties upang magbigay ng images para sa Prime Video series ng Amazon na “Invincible,” at sa superhero anime ng Max streaming service na “Iyanu, Child of Wonder.”
Ang Pyongyang ay nasa ilalim ng ‘multiple international sanctions’ kaugnay ng kanilang ‘banned’ nuclear weapons at ballistic missile programs, at mga pang-aabuso sa karapatang pangtao.
Ang North Korea ay mayroon nang matatag na industriya ng animation, kung saan sa mga nakaraan ay dito sila umaasa sa mga kinakailangang kita. Partikular na isinailalim sa US sanctions noong 2021 ay ang SEK Studio, ang higanteng cartoon producer na pinatatakbo ng gobyerno.
Ngunit sa mga unang bahagi ng taong ito ay na-obserbahan ng 38 North ang isang North Korea-based internet cloud storage server na araw-araw ay nag-a-aupload ng images na nauugnay sa maraming Western shows, instructions para sa animators, at feedback sa kanilang trabaho.
Sinasabi sa ulat, “There is no evidence to suggest that the companies identified in the images had any knowledge that a part of their project had been subcontracted to North Korean animators.”
Sabi pa sa ulat, “The evidence highlights ‘the difficulty in enforcing current US sanctions in such a global industry’ and the ‘need for US animation companies to be much better informed about all the companies that are involved’ in their projects.”
Hindi tumugon ang Amazon Studios nang hingan ng komento.
Tumanggi namang magkomento ng Max, ang streaming service na dating tinatawag na HBO Max at pag-aari ng Discovery ng Warner Bros.
Ayon sa isang source na pamilyar sa “Iyanu” project, isang South Korean animation studio ang kinuha para magtrabaho sa anime, pero wala na ito ngayong kaugnayan, makaraang lumitaw ang mga hinala na galing sa labas ang ilan sa mga gawa nito.
Ang North Korea ay matagal nang may makabuluhang animated film industry. Sa loob ng maraming dekada, gumamit ang bansa ng cartoons upang imulat ang kanilang mga kabataan sa socialist ethics.
Ang mga dayuhang cartoon gaya ng “Tom and Jerry” ay ipinalalabas din sa bansa.
Sa unang bahagi ng ika-21 siglo, at bago ang sanction sa kasalukuyang rehimen ng Nokor, ibinibilang ng SEK Studio na pormal na kilala bilang April 26 Children’s Film Production House, ang mga studio sa France, Italy at China na kasama sa kanilang nangungunang mga kliyente.
Ang SEK Studio ay pinaniniwalaang nagkaroon ng subcontract work na may kaugnayan sa “Lion King” at “Pocahontas” titles ng Disney sa mga nakaraan.
Ayon sa isang kamakailan ay US government advisory, “North Korea relies on thousands of highly skilled IT workers around the world to earn revenue for the impoverished nation.”
Nakasaad pa sa advisory, “They hide, disguise or misrepresent their identities in order to obtain freelance contracts and payments, in violation of sanctions, and are also linked to cyberattacks.”
Ang mga kompanya sa US ay hinihimok na masusing alamin ang pagkakakilanlan ng freelancers, kabilang na ang paggamit ng fingerprint o biometric log-in data.