Nabigong lumusot sa Commission on Appointment ang Ad interim Appointment ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go na chairman ng CA, walang tumututol sa appointment ni Herbosa, pero dahil sa dami ng mga senador at kongresista na nais magtanong, napilitang suspindihin ang pagdinig ng CA.


Bukas ang huling araw ng sesyon pero ayon kay Go hindi sila makapagpatawag ng hearing dahil kapwa abala na ang Senado at Kamara sa budget deliberations.


“Sa kasalukuyan suspendido ang hearing due to lack of material time daming questions eh isang kongresista pa lang one hour marami pa pong hindi nakapagtanong meron daw silang meeting house congressmen leadership meeting kami po may sesyon kami nagdesisyon after caucus suspendido muna.” pahayag ni senador Bong Go, chairman ng Commission on Apointment.


Umabot ng halos apat na oras na sumalang sa CA si Herbosa

Pero dahil bigong makalusot, kinakailangang i-re-appoint si Herbosa ni Pangulong Bongbong Marcos

Babalik ang sesyon sa November 6 matapos ang isang buwang bakasyon ng mga mambabatas.
Kailangan po syang i-re-appoint kasi mag-e-expire ang kaniyang Ad Interim Appointment.” dugtong pa ng mambabatas

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *