Nadiskubreng mutation of concern sa Covid-19 sa Central Visayas, kinumpirma ng DOH


Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may natuklasang Mutation of Concern ng Covid-19 sa Central Visayas ang Philippine Genome Center.

Ang mutation na ito ay nakita sa ilan sa mga local samples mula sa Central Visayas na sinuri nitong nakaraang Linggo.

Kaugnay nito, kumilos na ang Center for Health Development sa Central Visayas para ma-contain ang transmission ng nasabing mutation sa rehiyon.

May mga karagdagang sample pa umano mula sa Region 7 ang isasailalim sa Genome sequencing.

Pero paglilinaw ng DOH at PGC, sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensya para sabihin kung ang mutation na ito ay magdudulot ng mas lalong panganib sa kalusugan.

Una rito kinumpirma ng DOH Region 7 na ilang sample mula sa Cebu ang nakitaan ng mutation of concern, pero ang ilan umano sa mga ito ay nakarekober na Muli namang iginiit ng DOH na normal sa virus ang magkaroon ng mutation.

Pero hindi naman lahat ng mutation ay nagdudulot ng negatibong epekto. Sa ngayon ang variants pa lamang sa bansa na binabantayan mabuti dahil sa nagdudulot ng mas mabilis na transmission ng virus ay ang B.1.1.7 variant na mula sa United Kingdom.

Tiniyak naman ng DOH ang mas pinaigting na Biosurveillance upang makita kung may makakapasok na variant of concern sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: