Nag-aaplay Ka Ba Ng Trabaho?
Halos apat na milyong Pinoy ang walang trabaho ngayon na pinalala pa dahil sa Pandemya.
Sa 45.2 milyong nasa Labor force noong Enero 2021, nasa 41 milyon ang employed o may trabaho.
At dahil sa kagustuhan naming makatulong sa mga naghahanap ng trabaho, ibibigay namin ang mahahalagang puntos sa paggawa ng Resume o Curriculum Vitae.
Sa programang Let’s Get Ready to Radyo ay ibinigay ni Mr. Henry Pingol ng People Happiness and Development at isa ring HR Management Consultant, ang sumusunod na tips.
Nilinaw niya na magkaiba ang Resume sa Curriculum Vitae. Pag CV, ito ay pinaikli o summarize version ng Resume. Ang Resume naman ay mas mahabang version kung saan nakalagay ang specific tasks and roles, responsibilities na ginawa sa iyong dating pinasukang kumpanya.
Ang laman ng Resume ay ang pangalan ng nag- aaplay, bakit ka nag- aaplay o ang iyong objective sa pag- aaplay, ang work experience (Kung walang work experience ay ilagay ang mga naging on-the-job trainings, kahit yung mga ginawang pagtulong sa family business para maikunsidera).
Sa work experience nandun dapat ang company name, hinawakang posisyon sa kumpanya at short description ng mga ginawa sa dating kumpanya.
Sa Educational attainment naman, hanggat maaari ay High School and College o kung Masteral o Doctorate degree ang dapat na ilagay. Ilagay din kung nakatanggap ng awards, grants, etc.
Mabuti ring ilagay ang mga extra curricular na sinalihan noong nag – aaral pa para makita ang iyong pagiging team player . Ihuhuli na ang other skills, character reference at personal profile tulad ng provincial address, religion, height, weight, pangalan ng mga magulang ( kung patay o buhay) .
Sa contact number na ibibigay, mas mabuting dalawang numero ang ibigay na parehong gumagana, mas mainam kung magkaiba ng network.
Kapag nag-submit ng picture, kailangang yung recent, at hindi ten years ago na iba na ang hitsura mo ngayon. Mas maganda Kung sa picture ay naka-corporate attire o semi formal o kahit smart casual.
Kapag pinapunta ka sa kumpanya, maayos din dapat ang kasuotan. Samantala, kung mag aaplay ka naman ng trabaho online , ipinapayo ni Mr. Henry na basahing mabuti kung ano ang hinahanap ng kumpanya, ano ang credentials na hinahanap o requirements.
At dahil bahagi ng New Normal , uso na ngayon ang work from home , may mga kunsiderasyon na dapat isaalang- alang katulad ng kailangan ay may 10 Mbps ang speed ng internet, may sariling laptop o desktop o kung hindi man , tingnan mo din kung malapit ba sa iyong tirahan para hindi mahirapan sa transportation.
Sa interview naman, as a General rule, kung ano ang tanong, yun ang sagot. Kapag tinanong sa English sagutin mo din sa English, at kung sa Tagalog ay ganundin. Depende din sa inaaplayan mong posisyon at sa culture ng kumpanya. Sa multi- national companies, kailangan ay english ang medium of communication lalo pa nga’t supervisory o managerial ang inaaplayan mo.
Samantala, alam ba ninyo na during the interview ay makikita o mararamdaman na ng interviewer kung magkakaproblema sila sa inyo ? Ito ay depende sa attitude o behaviour ninyo, kung ang inilagay ninyo sa Resume ay may katotohanan o pinagawa lang.
So, ready na ba kayong mag-apply?
Julie Fernando