Nag-iisang MRT line ng Jakarta nag-shutdown dahil sa construction mishap
Nag-shutdown ang isang mass rapid transit line sa Jakarta, kabisera ng Indonesia dahil sa isang construction incident sa bahagi ng elevated line nito.
Sinabi ni Ahmad Pratomo, corporate secretary ng PT MRT Jakarta, na operator ng transit, “No one was hurt due to the incident.”
Aniya, “Due to an incident at a construction activity carried out at the Attorney General office’s building… affecting the train’s operation, the MRT Jakarta’s operation will be suspended temporarily.”
Kita naman sa mga larawang ibinahagi ng operator, ang steel bars na sumabit sa isang bahagi ng elevated rail ng MRT malapit sa isang construction project.
Ayon kay Ahmad, “PT MRT Jakarta apologised for the inconvenience caused by this disruption. Passengers were let off at the nearest stations.”
Ang Jakarta MRT na nag-iisang mass rapid transit service sa siyudad na mayroong higit sa sampung milyong katao, ay tumatakbo sa ibabaw at ilalim, mula sa Hotel Indonesia sa sentro hanggang sa timugang bahagi ng kabisera.
Ang $1.1 billion line ay nakapag-serbisyo na sa mahigit 100 milyong mga pasahero mula nang ito ay pasinayaan noong 2019, ayon sa tala ng MRT Jakarta.
Ang konstruksyon para i-extend ang kasalukuyang linya mula sa Hotel Indonesia hanggang sa hilaga ng lungsod ay nagpapatuloy, habang ang isang East-West line na nag-uugnay sa mga satellite city ng Jakarta ay pinaplano rin.