Nagkukustodiya sa mga pangunahing witness sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos, posibleng kasuhan ng DOJ
Posibleng sampahan ng kaso ng DOJ ang mga nagkukustodiya sa mga pangunahing witness sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos.
Ito ang ibinabala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Tinutukoy dito ng kalihim si Caloocan Bishop Pablo David matapos nitong ikustodiya ang ilang witness sa krimen.
Magugunitang bigong makuha ng PNP at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga witness sa naganap na anti-drug operation sa Caloocan City noong Agosto 16.
Sinabi ng kalihim na tanging ang DOJ lamang ang may legal na mandato na magkustodiya sa mga witness sa isang krimen.
Please follow and like us: