Nagngangalit na wildfire naglalagablab sa kabisera ng Ecuador na dumaranas ngayon ng tagtuyot
Naglalagablab ang nagngangalit na wildfire sa Quito, kabisera ng Ecuador na binalot na ng makapal na usok at nagbabantang tumupok sa mga bahay, habang nagkukumahog naman ang mga awtoridad na makontrol ang sunog.
Dumaranas ngayon ang Ecuador ng labis na tagtuyot.
Smoke rises as a wildfire burns, in Quito, Ecuador September 24, 2024. REUTERS/Karen Toro
Sinabi ni Pangulong Daniel Noboa, na idineploy na rin ang armed forces upang tumulong sa pag-apula sa apoy, na nagsimula sa bohemian Guapulo neighborhood at unti-unting kumalat sa kalapit na residential areas at mga kagubatan.
Wala namang napaulat na namatay o malubhang nasaktan.
Batay sa pahayag ng firefighting force ng Quito, fully deployed na ang kanilang contingents at malamang na abutin ng magdamag ang pakikipaglaban ng kanilang units sa mga sunog.
People work to extinguish a wildfire, in Quito, Ecuador September 24, 2024. REUTERS/Karen Toro
Sinabi naman ni Mayor Pabel Munoz, “The fire will not end in the next few hours. It will surely continue into the night and falling nighttime temperatures should help efforts to control the blaze.”
Dumaranas ngayon ang Ecuador ng pinakamatinding tagtuyot sa loob ng mahigit 60 taon, na nagresulta upang ang bansang umaasa sa hydropower ay magkaroon ng isang krisis sa enerhiya, habang ang bumababang lebel ng tubig sa mga reservoir ay naging sanhi upang mag-offline ang kanilang hydroelectric dam.
Rescue workers help to extinguish a wildfire, in Quito, Ecuador September 24, 2024. REUTERS/David Diaz Arcos
Una nang inanunsiyo ng energy minister ng bansa nitong Lunes, ang nationwide 12-hour power cuts at sinabing nagsimula ng mas maaga ng dalawang buwan ang kanilang dry season.
Sa social media post ng kompanya, sinabi nito na ang power cuts na naka-schedule para kahapon, Martes ay sinuspinde muna para sa coverage area ng Electrica Quito, ang electric utility ng kabisera.