Nagti-trending na pagkain

Kapitbahay hello!

Kumusta na po? 

Oh, pag-usapan  natin ang ilang nagti-trending na pagkain na nakikita natin at napapanood sa You Tube at sa iba pang social media platforms.

At si Chef Rico Echevaria ang umalam ukol dito na ibinahagi niya sa ating programa.

Sabi ni Chef Rico, umikot siya , inalam at nagpaturo kung paano gawin  at lutuin. 

Isa ngayon na trending ay ang puting gulaman.

courtesy of pinterest.com

Karaniwan na alam natin ay sago at gulaman na kulay pula o iba pang kulay.  

Thirst quencher ang sago’t at gulaman lalo na kapag tag-init , hindi po ba ?

Nagtrending ang itinitindang gulaman sa Binondo na white gulaman. 

Bakit, ano ba ang kakaiba sa white gulaman na ito?

Paano ba ito ginagawa o tinitimpla?

Sa pagtatanong ni Chef Rico sa tindera, kailangan ay gulaman na puti, mineral water at white sugar.

Lahat ay puti!

Hindi inaasahang papatok at marami na rin ang gumagawa. 

Ooops, huwag akalain na parang gulaman na may asukal lang ito, na parang tubig na matamis.  

Meron daw po itong distinct flavor kaya masarap.

Kung hindi ba naman masarap ay pipilahan? As in pila talaga!   

Alam ba ninyo na dahil dito sa white gulaman na ito ay napagtapos ni nanay  sa pag-aaral ang kaniyang mga anak at siyang ibinubuhay sa pamilya?

May isa pang trending  na pagkain, ang pansit malabon. 

courtesy of pinterest.com

Ano ba ang meron sa pansit palabok na ito? 

Sa Quiapo, matatagpuan ang masarap na pansit palabok sabi ni Chef  na may kakaibang lasa, masarap na tunay  dahil ang gamit ay ‘tampalin’ hindi sampalin kundi tampalin(lamanloob na ginagawang chicharon ).

Ito ang ginagamit na pampalasa . Ginagawang toppings .

Naalala ko tuloy noong nakakapamalengke pa ako sa Commonwealth Market noon, may binibilhan at kinakainan akong nagtitinda ng pansit palabok na ang sarap din dahil malasa ang sangkap, ‘yung lamanloob na ginawang chicharon, masarap at malinamnam.  

Hindi ko lang alam kung nandun pa rin sila ngayon.

courtesy of yummy.ph

Samantala sabi pa ni Chef, kung tutuusin ay marami ang nagti-trending na pagkain ngayon, at idagdag na ang Korean street foods gaya ng tteobokki  (spicy stir-fried rice cakes), Korean dumplings , kwabaegi  o twisted Korean doughnuts, Hotteok o sweet pancakes  at marami pang iba.

Tapos yung biryani (Indian food, mixed rice dish ). 

courtesy of traveltriangle.com

Dati kasi ang mga Pinoy ay hindi sanay na kumain na may spices.

Pero, ngayon nasanay na rin ang ‘palate ‘ natin at na-introduce na rin sa iba-ibang banyagang  pagkain at naka-adapt na rin tayo.

Bagaman hindi maikakaila na mas masarap pa rin siyempre  ang ating pansit palabok, sotanghon, halo-halo at kung ano-ano pa.

Naalala ko nga pala sa Agora Market sa San Juan, doon ko natikman ang masarap na gulaman.

Nakalagay sa malaking stainless container.

Ang lamig at ang sarap, but that was 15 years ago, kaya hindi ko alam kung nandun pa yun.

Siyanga pala, banggit pa ni Chef Rico sa Quinta Market noon matitikman ang masarap na palabok  at halo-halo. 

Samantala sa Ugbo sa Tondo naman ay ang kilalang halo-halo at lechong kawali.  

Sa mga bazaar,  sabi ni Chef  makikita, mabibili, hindi mawawala ang street foods na nakasanayan natin noon pa man na bilhin dahil sa bukod sa masarap ay mura pa gaya ng fishball, kikiam  at kwek-kwek.

Trending pa rin  ang ihaw-ihaw  at idagdag na rin ang healthy ice cream gaya ng dragon fruit ice cream na all -natural.

Wow! Nagutom ako, kayo ba mga kapitbahay?  

O paano, hanggang sa susunod , ingat tayo!

Please follow and like us: