Naihaing kaso laban sa giyera ng gobyerno vs illegal drugs, umabot na sa 19 ayon sa DOJ
Umaabot sa labing-siyam na kaso ang naihain na ng piskalya sa mga Korte sa ibat- ibang bahagi ng bansa laban sa mga pulis at iba pang law enforcers kaugnay ng giyera laban sa iligal na droga ng pamahalaang Duterte.
Ito ay batay na sa inilabas na imbentaryo ng DOJ mula nang paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga noong July 1, 2016 hanggang nitong August 22, 2017.
Ang imbentaryo ay kaugnay sa operasyon ng pulisya at iba pang law enforcement group na nauwi sa pagkamatay ng mga hinihinalang gumagamit at sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Batay sa listahan, kabuuang pitumput-isa ang reklamo na inihain sa DOJ at sa ibat ibang piskalya sa bansa kung saan 45 ay mga kaso kaugnay sa lehitimong operasyon kontra droga, habang 26 naman ay mga kaso ng mga napatay sa labas ng lehitimong operasyon.
Sa 71 na reklamo ng homicide o murder, 19 ang naisampa na sa korte, labimpito ang nakabinbin pa sa piskalya, habang 35 naman ang nabasura.
Ulat ni: Moira Encina