Naitalang kaso ng monkeypox sa Thailand nagmula sa isang biyaherong nanggaling sa Africa
Naka-detect ang Thailand ng isang kaso ng monkeypox o mpox, sa isang European man na dumating galing Africa noong isang linggo.
Sinabi ni Thongchai Keeratihattayakorn, director general ng Department of Disease Control ng Thailand, na itinuring ng mga awtoridad ng Thai ang kaso na parang Clade 1 form ng mpox, dahil ang 66-anyos na lalaking European na may residency sa Thailand ay dumating noong Agosto 14 mula sa isang bansa sa Africa kung saan kumakalat ang sakit.
Aniya, “After he arrives from the flight there is very little time frame where he come into contact with others. He arrives around 6 pm and on the next day, Aug 15, he went to see the doctor at the hospital.”
Sinabi ni Thongchai na ang lalaki ay sumailalim sa isang pagsusuri upang matukoy kung ang kaso ay isang variant ng Clade 1, na ang resulta ay inaasahan ngayong Biyernes.
Binabantayan din ng mga awtoridad ang 43 katao sa bansa na maaaring nakipag-ugnayan sa pasyente.
Hindi tinukoy ng director-general ang bansa sa Africa na pinanggalingan ng lalaki, ngunit sinabing ang lalaki ay bumiyahe sa isang bansa sa Middle Eastern, na hindi rin niya pinangalanan, bago lumipad patungong Thailand.
Ang Thailand ay naka-detect na ng 800 kaso ng mpox Clade 2 simula noong 2022, ngunit wala pang nade-detect na kaso ng Clade 1 o Clade 1b variants hanggang ngayon.