Nakatakdang pagdinig bukas kinansela na ng Senado
Kinansela na ng Senado ang mga nakatakdang pagdinig bukas dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro manila.
Ayon kay Senate president Vicente Sotto , ito’y para malimitahan ang pagpasok sa gusali ng mga empleyado at mga resource person.
Hindi naman raw sila magpapatupad ng lockdown para hindi maantala ang operasyon pero kailangang limitahan ang mga papasok na empleyado.
Kabilang sa kinansela ang pagdinig ng committee of the whole sa umano’y smuggling ng mga agricultural products sa ngayon wala pa namang iniulat na kaso ng mga empleyado na nahawa sa COVID-19.
Kasalukuyang nakarecess ang sesyon ng mga Senador at babalik pa ang kanilang trabaho sa January 17.
Meanne Corvera