Nakatenggang pondo sa PITC, ipinagagamit na ayuda
Ipinagagamit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Finance ang nakatengang pondo sa Philippine International trading corporation para sa ayuda ng mga mahihirap na indibidwal sa ilalim social amelioration program.
Sinabi ni Drilon na batay sa report ng Commission on Audit, may naka park na pondo ang ibat ibang ahensya ng gobyerno sa pitc na aabot sa 11.01 billion.
Maari aniya itong ibalik sa National treasury para magamit pantugon sa pandemya.
Sa report ng COA, inilaan ng ibat ibang tanggapan ng gobyerno ang pondo mula 2014 hanggang 2020 pambili ng ibat ibang kagamitan kabilang na ang 3.5 billion mula sa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force at 7.4 billion mula naman sa Bureau of Customs, Department of Information and Communications Technology at Philippine National Police.
Meanne Corvera