Nalalabing 2021 films ng Disney, magkakaroon ng exclusive cinema debut
Inanunsiyo ng Disney na lahat ng kanilang pelikula na nakatakdang ilabas sa pagtatapos ng taon, ay magkakaroon muna ng exclusive cinema debut, na lubha namang ikinatuwa ng theater owners matapos pinsalain ng pandemya ang kanilang industriya.
Sa pahayag ng kompanya, ang kanilang animated film na “Encanto” ay ipalalabas sa sinehan sa November 24, at hindi ito magiging available sa video platform ng Disney hanggang sa December 24.
Ang iba pang planong mga proyekto gaya ng “The Last Duel” ni Ridley Scott, “Eternals” ng Marvel Studios at “West Side Story” ni Steven Spielberg, ay una ring ipalalabas sa mga sinehan bago i-release sa iba pang platforms.
Ang naturang desisyon ay sabik na inabangan ng traditional cinemas, matapos na kamakailan ay mas piliin ng entertainment giant na ipalabas ang isang serye ng malalaki nilang produksiyon gaya ng “Black Widow,” “Jungle Cruise,” at “Cruella” sa kanilang Disney+ platform.