Namamagang gilagid, paano ba gagamutin?
Magandang araw sa inyo!
Gusto kong sagutin ang tanong ng isang listener natin , ang tanong ay laging namamaga ang gilagid pero naaalis kapag nagmumumog ng asin sa maligamgam na tubig kaya lang ay makirot pa rin at pabalik-balik din.
Ang ating sagot ay ito, bilang isang functional dentist ay masasabi ko ay maraming pinanggalingan kung bakit namamaga ang gilagid.
Kaya nga dapat ay magpa check-up sa dentista.
Ngayon, kung sa kabila ng pagpapatingin sa dentista ay hindi pa rin gumagaling, isang functional dentist na ang puntahan ninyo para malaman ang root cause.
Maraming dahilan o root cause, puwedeng nutritional, o kulang sa vitamin D.
Maaaring mali naman ang bite o kagat o dili naman kaya ay stress ang ngipin kaya namamaga ang gilagid.
Puwedeng pagmulan din ng pamamaga ng gilagid ay dahil sa oral hygiene, kaya nga dapat na alamin.
Kailangang dapat malaman ang tunay na dahilan, kasi hindi gagaling at magiging paulit-ulit lang problema, dapat tuntunin kung bakit namamaga ang gilagid.
Kahit sabihing sufficient ang nutrisyon , sufficient ang hygiene, bakit namamaga pa rin? Maaaring dahil sa stress.
‘Yung sinasabing naaalis o naiibsan kapag nagmumumog ng asin sa maligamgam na tubig, nakatutulong ito, subalit , temporary lamang, pansamantala lamang. Relief lang at uulit din.
Ang ginagawa ng asin ay nakatutulong kaya lang ang root cause ay hindi pa rin nasosolusyunan .
Huwag nating hayaan ang ganitong mga problema, magpatingin sa dentista o sa isang functional dentist.