Namatay sa pambobomba sa isang classroom sa Afghanistan, umakyat na sa 43 – UN
Inihayag ng United Nations mission sa Afghanistan, na umakyat na sa 43 ang nasawi sa isang suicide bomb attack sa isang education centre sa Afghan capital noong isang linggo.
Noong Biyernes, matatandaan na pinasabog ng isang suicide bomber ang kaniyang sarili sa tabi ng mga babae sa isang gender-segregated study hall sa Kabul, tahanan ng historically oppressed Shiite Muslim Hazara community.
Ayon sa tweet ng UN mission, “Forty three killed. 83 wounded. Girls & young women were the main victims,” at idinagdag na maaari pang maragdagan ang bilang.
Pinasabog ng suicide bomber ang kaniyang sarili habang daan-daang mga estudyante ang nagsasagawa ng isang practice test bago ang entrance exam para sa university admissions.
Wala pang grupong umaangkin ng responsibilidad, ngunit ang jihadist Islamic State group (IS) ay dati nang nagsagawa ng ilang deadly attacks sa lugar na ang target ay mga babae, mga eskuwelahan at mga moske.
Noong Mayo ng nakalipas na taon bago muling nakabalik sa kapangyarihan ang Taliban, hindi bababa sa 85 katao na karamihan ay mga kabataang babae ang namatay at nasa 300 ang nasugatan, nang tatlong bomba ang sumabog malapit sa kanilang paaran sa Dasht-e-Barchi.
Ang Hazara community ay deka-dekada nang nakararanas ng pag-uusig mula sa bansang ang mayorya ay Sunni Muslim at mula sa IS, na kapwa ang turing sa Shiites ay heretics.
© Agence France-Presse