Namatay sa wildfire sa Chile umakyat na sa 112
Sinabi ng isang Interior Ministry official, na ang kumpirmadong namatay sa nagngangalit na wildfire sa central Chile ay umakyat na sa 112.
Ayon kay Undersecretary Manuel Monsalve, 112 bangkay ang sinuri ng medical examiner, at 32 na ang nakilala. Aniya, 40 pa ang aktibong sunog sa bansa.
Patuloy na nakipaglaban ang responders sa mga sunog sa coastal tourist region ng Valparaiso sa gitna ng matinding summer heat wave, kung saan ang mga temperatura ay umabot ng hanggang 40 degrees Celsius (104 degrees Fahrenheit) nitong weekend.
Kuwento ng 63-anyos na si Rosana Avendano, isang kitchen assistant, wala siya sa bahay nila nang magsimulang lumapit ang sunog sa Vina del Mar, ang seaside city kung saan siya nakatira kasama ng kaniyang asawa.
Aniya, “It was terrible because I couldn’t get (to my house). The fire came here… we lost everything. My husband was lying down and began to feel the heat of the fire coming and he ran away.”
Sa loob ng ilang oras, ay nag-alala siya sa maaaring kinasapitan ng kaniyang asawa, ngunit kalaunan ay nagkaroon na siya ng kontak dito.
Sinabi naman ng retiradong si Lilian Rojas, 67-anyos, “not a single house was left here,” na ang tinutukoy ay kanilang lugar na malapit sa Vina del Mar botanical garden, na tinupok din ng apoy.
Firefighters work at the Botanical Garden after a forest fire in ViÒa del Mar, Chile, on February 4, 2024. Chileans Sunday feared a rise in the death toll from wildfires blazing across the South American country that have already killed at least 51 people, leaving bodies in the street and homes gutted. (Photo by Javier TORRES / AFP)
Ayon kay Chilean President Gabriel Boric, “We know that the toll is going to increase significantly. It was the country’s deadliest disaster since a 2010 earthquake and tsunami that killed 500 people.”
Si Boric ay nagdeklara ng isang state of emergency, at nangako ng tulong mula sa gobyerno para muling makabangon ang mga naapektuhan, nang bisitahin niya ang apektadong lugar lulan ng isang helicopter noong Sabado ng hapon.
Ayon sa national disaster service na SENAPRED, halos 26,000 ektarya ang natupok sa central at southern regions pagdating ng Linggo.
Suportado ng 31 firefighting helicopters at airplanes, may 1,400 mga bumbero, 1,300 military personnel at volunteers ang nakipaglaban sa sunog.
Sinabi ni SENAPRED chief Alvaro Hormazabal, na hanggang nitong Linggo ng umaga ay 34 na sunog ang inaapula ng mga bumbero, habang 43 iba pa ang ‘under control na.’
Aniya, “Weather conditions are going to continue to be complicated.”
Simula naman alas-9:00 ng gabi noong Sabado ay nagpatupad na ang mga awtoridad ng isang curfew, habang libu-libong naninirahan sa mga apektadong lugar ang inatasan nang lumikas.
Dahil sa mga sunog na ilang araw nang naglalagablab, napilitan ang mga awtoridad noong Biyernes na isara ang kalsadang nag-uugnay sa Valparaiso region at sa Santiago na kabisera ng Chile, dahil sa low visibility bunsod ng kaulapan ng mga usok.
Ayon kay Interior Minister Carolina Toha, “The weekend blazes have been ‘without a doubt the deadliest fire event in Chile’s history.”
Sinabi naman ni Rodrigo Pulgar mula sa bayan ng El Olivar, “This was an inferno. I tried to help my neighbor… my house was starting to burn behind us. It was raining ash.”
Ang mga sunog ay dulot ng isang summer heatwave at tagtuyot na nakaaapekto sa katimugang bahagi ng South America na dulot ng El Nino weather phenomenon, habang nagbabala ang mga siyentipiko na ang umiinit na Mundo ay nagpapataas ng panganib ng mga natural na sakuna tulad ng matinding init at sunog.