Nanatiling maluwag ang daloy ng trapiko sa kabila ng mga kilos protesta ng mga militanteng grupo kaugnay ng 2nd SONA
Sa kabila ng ginawang kilos protesta ng ilang militanteng grupo kaugnay ng ikalawang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nananatili parin namang maluwag ang daloy ng trapiko sa north at south bound ng kahabaan ng commonwealth avenue.
Pero sa south bound area sa may ilalim ng Luzon fly over may build up na ng traffic dahil nag imbudo na yung mga sasakyan.
Nakaporma na kasi yung mga pulis bilang preparasyon sakaling magpilit yung mga raleyista na makalusot.
Kung kanina naman ay may bahagyang pagsikip sa daloy ng trapiko sa may bahagi ng circle papasok sa Philcoa at sa may tapat ng tanggapan ng Commission on Human Rights dahil sa mga nagtipong raleyista ngayon maluwag na ito dahil umalis na doon yung mga militanteng grupo at lumakad na patungo sa Tandang Sora.
Ang ilang supporter naman ni PBBM ay nagsimula ng magtipon sa harap ng tanggapan ng Commission on Audit kung saan sila nagsasagawa ng programa bilang suporta sa Pangulo.
May malaking LED screen sa harap kung saan nakatayo ang stage…dito daw ipapalabas mamaya ang ikalawang ulat da bayan ng Pangulo para sama samang panoorin ng mga supporrer
Nakasuot sila ng kulay pulang tshirt na kulay na ginamit ni PBBM noong kampanya.
Madelyn Moratillo