“Nanmadol” na nasa labas ng PAR naging isa nang tropical storm, maaaring pumasok sa PAR bukas o sa Biyernes
Lumakas pa at naging isa nang tropical storm ang tropical cyclone na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si “Nanmadol” ay maaaring pumasok sa PAR Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
Sa sandaling nasa loob na ito ng bansa ay tatawagin itong “Josie.”
Sa ngayon ayon sa PAGASA, ang tropical storm ay tinatayang mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas at walang direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Gayunman, maaari nitong palakasin ang southwest monsoon o habagat, na maaaring magdala ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Timugang Luzon at Visayas ngayon o bukas.
Ayon sa PAGASA, “Considering these developments, the public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to continue monitoring for updates related to this tropical cyclone.”