Napagtibay na BBL, dapat pa ring bantayan dahil sa napipintong pagbabago ng saligang batas
Itinuturing na tagumpay ni Political Analyst Professor Clarita Carlos ang pinagtibay na Bangsamoro Basic law o BBL.
Ayon kay Carlos, bagamat nagiging maganda na ang itinatakbo ng isinusulong na panukala,dapat pa ring magbantay ang taumbayan dahil nahaharap ang bansa sa pagbabago ng Saligang Batas tungo sa Federalismo.
Umaasa si Carlos na kung anuman ang maibibigay sa Bangsamoro ay maipagkakaloob rin sa mga Federal states. Sa ilalim aniya ng BBL, magagamit na ng Bangsamoro ang kanilang mga natural resources na pagkukunan ng kanilang mga kita.
Ang natandaan ko kasi ang proposal nyan is 75% ata ang mapupunta sa kanila at 25% sa central government pero yan ay malaking issue pa din kasi hindi ganyan ang pagpartehan sa ating constitution . So bantayan natin ito at maganda talaga na nagkaroon na sila ng awtonomiya although hindi pa talaga full fiscal autonomy pero its a major breakthrough