Napalayang convicted road rage na si Rolito Go, hindi dapat kasama sa mga tinutugis ng PNP – DOJ
Hindi dapat kasama sa listahan ng mga presong maagang napalaya dahil sa expanded GCTA Law ang convicted road rage killer na si Rolito Go.
Ito ang inihayag ni Justice secretary Menardo Guevarra matapos na puntahan ng mga pulis sa bahay nito si Go sa Quezon City para arestuhin.
Ayon kay Guevarra, sa pagka-alala niya na-commute ang sentensya kay Go na nahatulan ng guilty ng korte dahil sa pagpatay sa Dela Salle student na si Eldon Maguan sa isang road rage incident noong 1991.
Dahil dito, hindi na anya dapat tugisin ng PNP tracker teams si Go.
Sinentensyahan si Go ng parusang Reclusion Perpetua o 40 taong pagkakakulong noong 1993.
Taong 2016 nang ipagutos naman ng Korte Suprema na palayain si Go matapos katigan ang desisyon ng Muntinlupa RTC na pumabor sa Writ of Habeas Corpus ni Go.
Iginiit ni Go na noon pang august 2013 siya dapat napalaya dahil sa kanyang colonist status, good conduct at preventive suspension.
Ulat ni Moira Encina