Napatay na teenager na si Carl Angelo Arnaiz nagpositbo sa gunpowder nitrates
Nagpositibo sa gunpowder nitrates ang napatay na disi nueve anyos na si Carl Angelo Arnaiz katunayang nagpaputok ito ng baril.
Batay ito sa isinagawang paraffin test ng PNP crime laboratory sa bangkay ni Arnaiz.
Si Arnaiz ay napatay ng mga otoridad matapos umanong rumesponde sa robbery incident sa Caloocan City noong August 18.
Sa pagdinig ng Senado sinabi ni PNP-NCRPO Chief Oscar Albayalde na batay sa imbestigasyon noong August 18, hinoldap ni Arnaiz ang sinakyang taxi sa C3 Road sa Caloocan.
Pero nagreport ang taxi driver sa mga pulis kaya nagkaroon ng operasyon kung saan napatay si Arnaiz.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: